Linggo, Agosto 7, 2011

Si Crush............

    Mula ng magkaboyfriend ako hindi na ako tumingin sa ibang tao kahit pa ito ay paghanga lang naman at lalong-lalo na sa mas malalim na ibig sabihin ng paghanga.Noong hayskul,masasabi kong nagkaroon ako ng crush pero ng magkolehiyo na ako naglaho rin ang lahat ng iyon,dahil siguro hindi ko na nakikita at iba na ang mga kaklase ko.Unang buwan ko sa CLSU,wala pa kong masyadong kilala sa mga kaklase ko hanggang sa mag-buwan ng hulyo noong nakaraang taon ay saka ko lamang siya(Sylvester) nakilala.Isa siyang mabait,palabiro at maalalahanin na taoNakilala ko siya ng lubusan ng magkateksan kami,hanggang sa nalaman ko na may crush siya sa akin na para sa akin ay baewala lang kasi normal lang naman ang humanga sa isang tao di ba?.Mga ilang buwan na rin ang nakalipas buhat ng makilala ko siya ay mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa at dumating sa punto na nahulog na ako sa kanya dahil sa kabutihan na ipinapakita niya sa akin.Dito na nagsimula na maging kami(Sylvester Tuazon).Isang taong tapat kung magmahal,kaya naman love ko!!! crush ko!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento