Lunes, Hulyo 25, 2011

Ang Aking Pamilya

    Ang aking pamilya ay simple lang ang pamumuhay,hindi ganoon kayaman at hindi rin ganoon kahirap.Mula sa sipag at tiyaga ng aking mga magulang ay nakakaraos naman.Nagkakaroon man ng problema ay agad namang nasosolusyonan.Mula sa pawis nila sa pagtatrabaho ay sobra-sobra na parasabihin ko sa kanila na hindi sila nagkulang,kaya naman pamilya ko LOVE KO!!!

   Si Elmer Mapindan Japson ang aming haligi ng tahanan.Siya ay ipinananganak noong Enero 30,1958 sa Quirino,Maria Aurora,Aurora.Siya ay isang mapagmahal na Ama.Siya ay isang magsasaka at konsehal sa aming Barangay.

   Si Rizalina Mercado Japson ang aming ilaw ng tahanan.Ipinanganak noong Hunyo 19,1958 sa Debucao,Maria Aurora,Aurora.Siya ay mabait na Ina.Siya ay isang guro sa aming Barangay.

  Si Rodessa Mercado Japson ang panganay sa aming magkakapatid.Siya ay ipinanganak noong Setyembre 5.Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa maaga siyang nag-asawa.Siya ngayon ay nagtatrabaho sa Singapore.

  Si Rizelle Mercado Japson ang sumunod sa panganay.Ipinanganak siya noong Enero 30,1990.Siya ay nakapagtapos ng Pag-aaral sa CLSU sa kursong Bachelor of Science in Secondary Education.Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa San Sebastian School.

 Si Veronica Mercado Japson ang bunso sa aming magkakapatid.Siya ay Ipinanganak noong Nobyembre 23,1998.Siya ngayon ay First year highschool.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento