Lunes, Hulyo 25, 2011

Sino ako?

      Ako si Roselyn Mercado Japson,labing-pitong taong gulang.Ipinanganak noong ika-10 ng hulyo taong 1994 sa Brgy. Debucao,Ma. Aurora,Aurora kung saan din ako lumaki.Pangatlo ako sa aming apat na magkakapatid.Kasalukuyang nag-aaral sa Central Luzon State University kung saan nagtapos ang aking mama bilang guro,ako ngayon ay nasa ikalawang taon na sa kolehiyo at kumukuha ng kursong "Bachelor of Science in Information Technology".Maituturing na isa sa mga simpleng estudyante,sadyang may kalakasan at kahinaan din.Isang taong palangiti na sa likod ay may mga tinatagong problema.Maibibilang din sa mga taong mahiyain pagdating sa pakikihalubilo sa mga kamag-anak.Sa kabila ng lahat ng ito,ako si Roselyn na may pangarap sa buhay at ito ay ang makapagtapos ng pag-aaral upang masuklian ko ang sakripisyo ng aking mga magulang dahil alam kong ginawa nila iyon para sa ikagaganda ng aking kinabukasan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento